Kinansela ng organizer ng Asian Games na gaganapin sa China.
Bagamat walang anumang sinabing dahilan ng kanselasyon ay marami ang naniniwala na ang dahilan nito ay dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Mismo ang Olympic Council of Asia ang nag-anunsiyo ng kanselasyon sa laro na gaganapin mula Setyembre 10 hanggan 25 sa Hangzhou, China.
Matatagpuan ang Hangzhou City sa 200 kilometers mula sa pinakamalaking lungsod na Shanghai.
Magugunitang ipinatupad ng mga otoridad ang lockdown sa Shanghai dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Pangatlong lungsod na sana ang Hangzhou na magiging host ng continental competition na unang ginanap sa Beijing noong 1990 at Guangzhou noong 2010.
Magsasagawa pa ng panibagong anunsiyo ang organizers kung kailan ang bagong petsa ng nabanggit na torneo.