-- Advertisements --

Nagbabala ang International Monetary Fund na mas bulnerable ang Asya sa epekto ng energy shock dulot ng digmaan sa Middle East, dahil sa matinding pagdepende nito sa imported na langis at gas. Maaari umanong tamaan ang paglago ng ekonomiya ng rehiyon kung magtuloy-tuloy ang kaguluhan.

Bagama’t may matibay na simula ang ekonomiya ng Asya ngayong taon, sinabi ng IMF na nababawasan ito ng epekto ng tumataas na presyo at posibleng kakulangan sa suplay ng enerhiya. Maaari itong magdulot ng mas mataas na inflation at paghina ng economic growth.

Nagbabala rin ang International Monetary Fund na kung magtatagal ang sigalot, maaaring magkaroon ng mas malawak na epekto, kabilang ang kakulangan sa mga produktong nakadepende sa langis at gas, na kritikal sa produksyon ng iba’t ibang industriya.

Dahil dito, hinimok ang mga bansa sa Asya na maging maingat at mabilis umaksyon sa kanilang mga polisiya, lalo na sa pagkontrol ng inflation, at tiyaking target at sapat ang tulong ng gobyerno sa mga sektor na pinakaapektado. (report by Bombo Jai )