-- Advertisements --

Patay ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa panibagong enkwentro sa may Barangay Upper Binuang, Talipao,Sulu.

Sa report na inilabas ni 11th Infantry Division Spokesperson Lt.Col. Gerald Monfort na ang mga tropa ng 2nd Special Forces Battalion ay nagsisilbing blocking force ng makasagupa ng mga ito ang grupo ni ASG Sub-leader Jaber Susukan.

Sinabi ni Monfort na may mga tropa kasi na nagsasagawa ngayon ng opensiba laban sa grupo ASG leader Hatib Sawadjaan sa kabundukan ng Patikul.

Patay sa ilang minutong labanan ang isang Rakib Dahsul.

Narekober din ng militar ang dalawang M16 rifles.

Tiniyak naman ni 11th ID at JTF SUlu Commander BGen Divino Rey Pabayo na hindi tumitigil ang kanilang opensiba laban sa grupo ni Sawadjaan na nasa likod sa kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral.