-- Advertisements --
ASF

Kinumpirma ng mga awtoridad na apektado na rin ng African swine fever (ASF) ang ilang baboy sa dalawang bayan sa Aklan.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Provincial Veterenarian at Office of the Provincial Agriculturist ng lalawigan sa isang pahayag, kung saan sinabi nito ang naturang mga apektadong bayan ay ang Balete at Banga.

Kaugnay nito ay patuloy pa ang isinasagawang monitoring ng dalawang ahensya sa sitwasyon sa nasabing mga lugar.

Habang nagpatupad na rin ang mga local authorities ng mas mahigpit na border checkpoints sa kanilang lugar upang maiwasan na kumalat at makaabot pa sa mga karating na bayan ang nasabing sakit ng baboy.

Ipinagbabawal din ang anumang uri pagdedeliver ng mga karneng baboy mula sa mga lugar na apektado ng African swine fever bilang bahagi pa rin ng pagpapatupad nito ng protective measures.