DAVAO CITY – Patay ang isang 58-anyos na babae matapus matabunan ng gumuhong pader dahil sa malakas na pag-ulan kagabi sa Hope Avenue, Diversion Road,Bangkal, Davao City.
Inihayag ni Carlos Fuerzas, 63 anyos, mister ng biktima na nakilalang si Letecia Fuerzas, alas-11:40 kagabi nang gumuho ang concrete retaining wall sa kanilang binabantayang establisimento at dito rin sila natutulog ng kanyang asawa.
Batay na inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, posibling dahil sa sunod-sunod na malakas na pag-ulan na nararanasan ng lungsod ng Davao lumambot ang lupa na siyang dahilan ng pagguho ng kongretong pader.
Nagawa pang makaligtas ng naturang mister na nagtamo rin ng mga sugat sa katawan, pero wala nang buhay ang asawa nito nang mahukay habang inilunsad ng rescue team ang clearing operation.