Arestado ang misis ng actor na si Matt Evans na si Riza Katrina dahil sa kasong estafa.

Inaresto ang 32-anyos na si Riza sa bisa ng warrant of arrest na isinampa sa kaniya sa Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A.

Sinabi ni Police Major Gideon Ines ng Makati City Police, May kaugnayan ang kaso sa dating negosyo nito.

Nauna ng kinasuhan ito ng cyberbullying sa Cebu subalit nakapagbayad na siya ng piyansa.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay ibinunyag ni Matt na natangayan ng halos P6 milyong halaga ng gamit sa loob ng tatlong taon dahil sa pagre-resell nito ng mga designer bag at alahas.