-- Advertisements --

Ipinagpaliban ang arraignment o pagbasa ng sakdal kina Senador Jinggoy Estrada at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa kasong graft at plunder sa Sandiganbayan Fifth Division.

Nakatakda sanang basahan ng sakdal ang dalawa ngayong Martes, Hunyo 30, subalit inilipat ito sa Hulyo 28.

Ito ay kasunod na rin ng inihaing mosyon ng state prosecutors sa anti-graft court division para amyendahan ang case information para tanggalin si Bonoan mula sa kaso.

Matatandaang nitong Lunes, kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na pumayag na si Bonoan na maging state witness. Ayon sa Ombudsman, mahalaga ang malawak na kaalaman ng dating kalihim upang mapatunayan ang maraming kaso kaugnay sa flood control scandal.

Ang arraignment ay marka ng pormal na pagsisimula ng paglilitis na nagmamandato sa mga akusado na humarap sa korte bago hilingin ang pagpasok ng guilty o not gulty plea.