-- Advertisements --
image 15

Inihayag ng Philippine Army (PA) na ang Army Support Command (ASCOM) na nakabase sa Camp Servillano Aquino, Tarlac City ay pormal nang nakatanggap ng 21 bagong natapos na pasilidad mula sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Ang Army Support Command (ASCOM) facilities project ay bahagi ng 2017 memorandum of agreement na nilagdaan ng BCDA at ng Department of National Defense para sa paglipat ng mga pasilidad ng Army mula sa 11.5 na ektaryang bahagi ng Fort Bonifacio patungo sa Camp Servillano Aquino

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng Army na si Col. Xerxes Trinidad na nilagdaan ni Bases Conversion and Development Authority chair Delfin Lorenzana at Philippine Army acting chief of staff Major General Jose Eriel Niembra, na kumakatawan kay Army commander Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., ang dokumento para sa turnover ng mga pasilidad sa isang seremonya sa Camp Servillano Aquino.

Kaugnay nito, sinabi ni Major General Niembra na ang paglilipat at pagtatayo ng mga modernong pasilidad ng ASCOM sa isang strategic location sa Camp Servillano Aquino ay magpapalakas sa kakayahan ng yunit na magbigay ng logistical support sa ground forces.

-- Advertisement --

Una rito, idinagdag pa niya na ang mga pasilidad ay inaasahang makapagbibigay ng mas mahusay na logistics, storage at management hub para sa ASCOM na nakatalagang magbigay ng firepower, transportation, organizational, at maintenance equipment support para sa Phil. Army major units.