-- Advertisements --
Itinanghal na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos hakutin ang unang pwesto sa tatlong kategorya.
Isinagawa ang torneo sa prestihiyosong Manila Bay noong Marso 27 ng taong kasalukuyan matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Army spokesman, Col. Xerxes Trinidad, nakuha ng Philippine Army Dragon Warriors ang tatlong 200 meter events sa Mens, Womens at mixed crew.
Sa panig naman ni Army Special Service Center, Installation Management Command director, Col. John Gabun, patuloy pa nilang pagsisikapan ang mga pagsasanay sa mga atletang Pilipino upang makapag-uwi ng ibayong karangalan sa bansa.