-- Advertisements --

Napatay ng mga otoridad sa US ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa FBI field office sa Cincinnati.

Ayon sa Ohio State Highway Patrol, nagkaroon ng ilang oras na standoff hanggang sa nakipagpalitan ng putok ang suspek na kinilalang si Ricky Shiffer.

Iniimbestigahan pa rin ng FBI ang sinasabing pagkakasangkot ng suspek sa right-wing extremism na siyang nasa likod ng US Capitol attack noong Enero 6.

Base sa imbestigasyon, pinilit umano ng suspek na makapasok sa opisina ng FBI subalit hindi ito nagtagumpay.