-- Advertisements --
Sinagot ng singer na si Ariana Grande ang mga bumabatikos sa pagbabago ng kaniyang pangangatawan.
Sa kaniyang social media ay ipinaliwanag nito sa kaniyang fans ang dahilan ng labis niyang pangangayayat.
Sinabi ng 29-anyos na singer na maraming mga anti-depressant na gamot ang kaniyang iniinom at naging mahina ang kaniyang pagkain.
Hinikayat nito ang mga fans na maging maingat sa pagkomento dahil hindi nila alam ang pinagdadaanan ng isang tao na binabatikos nila.
Humingi na lamang ito sa mga fans ng pang-unawa dahil sa kaniyang pinagdadaanan kaya hindi pa siya nakagawa ng bagong kanta.