-- Advertisements --

Nanawagan si Caloocan Archbishop Pablo Virgilio David na huwag maniwala sa mga humihingi ng tulong na ginagamit ang kaniyang pangalan.

Umabot kasi sa kaalaman nito na ginagamit ang pangalan niya sa pamamagitan ng social media kung saan humihingi ang suspek ng pera para aniya sa pagtayo ng tabernacle sa Cebu.

Ayon pa kay David na huwag na lamang pansinin ang nasabing mga mensahe dahil wala ito sa Cebu.

Humingi na rin ito ng tulong sa mga kinauukulan para matukoy ang nasa likod ng nasabing modus.