-- Advertisements --

CEBU CITY – Sinimulan ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang kakaiba nitong kampanya upang ipaalala sa mga kababayan nito na manatili muna sa loob ng bahay dahil sa hindi pa rin natatapos na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Si Chan mismo ang nag-ikot sa lahat ng mga lugar sa nasabing lungsod dala ang isang kabaong at nakalagay ang katagang “stay at home upang hindi makahimlay sa kabaong.”

Ayon sa alkalde, halos napupuno na ang mga pagamutan sa Lungsod ng Lapu-Lapu nang dahil sa mga nahawaan ng COVID-19.

Dagdag pa nito na hindi sineryoso ng kanyang mga kababayan ang mga health protocols kagaya ng simpleng pagsusuot ng face mask.

Nabatid na ipaparada ang mga kabaong araw-araw sa lahat ng pampublikong lugar sa Lapu-Lapu City bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa COVID pandemic.