-- Advertisements --
Nag-abiso ngayon ang Maynila ng araw-araw na water service interruption hanggang sa susunod na linggo.
Ayon sa abiso ng naturang kompaniya, maghapong mararanasan ang kawalan ng daloy ng tubig sa Maynila, Navotas, Malabon, Caloocan, Las Pinas, Paranaque at Pasay.
Paliwanag ng Maynilad, kailangan nilang linisin ang putik na napunta sa kanilang treatment plant, para manumbalik ang malinis na supply sa kanilang consumers.
Ganap na alas-4:00 ng madaling araw nagsisimula ang water interruption at nagtatapos sa ganap na alas-5:00 ng hapon.
Humingi naman ng pang-unawa ang kompaniya sa problemang dulot ng maruming tubig sa kanilang pasilidad, matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.










