#AranetaCityUpdates For everyone’s safety and in support of the government directives to help prevent the spread of COVID-19, we are temporarily closing our 3 Malls – Gateway Mall, Ali Mall and Farmers Plaza starting today, March 16, 2020. pic.twitter.com/utIIMl1dD2
— Araneta City (@AranetaCity) March 15, 2020
Nag-abiso na ang pamunuan ng Araneta City sa mga regular na customer ng malls nito kaugnay ng pansamantalang shutdown ng mga establisyemento bilang hakbang laban sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Sa isang online post sinabi ng kompanya na simula ngayong araw, March 16, ay hindi muna mag-ooperate ang Gatewat Mall, Ali Mall at Farmers Plaza na puro sa Quezon City.
Tanging mga “essential” establishment lang daw ang bubuksan sa publiko gaya ng supermarket, convenience store, pharmacies at mga medical/dental clinics.
Maging mga bangko at restaurant na may take-out at delivery services ay papayagan din mag-operate.
Paliwanag ng Araneta City, mag-aabiso na lang sila kung kailan magbabalik ang operasyon ng tatlong malls.