-- Advertisements --
Hindi na ikinaila ng actress na si Ara Mina na nagde-date sila ni Philippine International Trading Corporation (PITC) Undersecretary Dave Almarinez.
Sinabi nito na, anim na buwan na itong single at hindi aniya masama na mag-entertain ng manliligaw.
Dagdag pa nito na parehas silang single kaya sinusubukan nila ang kapalaran sa isa’t-isa.
Saad pa nito na nais lamang niyang maging maingat na ngayon.
Mahigit aniyang dalawang taon na silang magkakilala ng 46-anyos na si Almarinez kaya naging malapit na sila sa isa’t-isa.
Magugunitang nakita ang dalawa na magkasamang lumabas noong nakaraang Setyembre.