-- Advertisements --

Ipinakita ng Hollywood actor Jason Momoa ang pagsuporta nito sa laban sa single-use plastics.

Bilang pagpapatunay ang pagsuporta sa nasabing adhikain ay ginupitan nito ang kaniyang mahabang buhok gamit ang shave.

Ipinakita ng 43-anyos na “Aquaman” actor ang pag-shave nito ng kaniyang buhok sa kaniyang social media.

Dagdag pa nito na napapagod na siya sa paggamit ng mga single-use plastics.

Bilang residente ng Hawaii ay labis itong nalulungkot dahil personal niyang nasasaksihan ang dami ng mga itinatapon na single-use plastics sa karagatan.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na kaniyang inahit ang buhok bilang paglaban sa single-use plastics dahil noong 2019 ay kaniyang inahit ang kaniyang balbas sa loob ng 12 taon para isulong ang aluminum recycling.