-- Advertisements --

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate sa liderato ng Kamara na aprubahan na ang House Joint Resolution No. 1 para sa agarang release ng second tranche ng P1,000 SSS pension hike.

Marso pa nang aprubahan ng Committee on Government Enterprises and Privatization ang panuakalang batas na ito, ayon kay Zarate.

Iginiit ng kongresista na mahalagang maibigay na sa ilang milyong nakatatanda ang karagdagang P1,000 pension increase kasunod ng mga nagdaang kalamidad.

Bukod sa increase sa SSS pension, mahalaga rin aniya na magkaroon ng increase sa social pension para sa mga senior citizens na hindi SSS members.

Ang problema kasi sa ngayon ay hindi na sapat ang P5,000 social pension kada buwan at ang disqualification ng maraming mahihirap at deserving senior citizens dahil sa “unreasonable” criteria na itinatakda ng pamahalaan.

Makakatulong aniya ang loans na alok ng SSS ngayon subalit kailangan pa rin aniya bayaran ito ng mga pensioners.

Iba pa rin kung maibibigay na ang kanilang matagal nang hinihintay na SSS at social pension hikes.