Sinimulan na ng Japanese government ang mga hakbang para mas mapabilis pa ang pag-apruba sa antiviral drug na remdesivir na posible umanong maging gamot para sa mga taong tinamaan ng coronavirus disease.
Ito’s matapos payagan ng Estados Unidos na gamitin sa oras ng emergency ang nasabing gamot. Unang dinevelop ang remdesivir para pagalingin ang mga pasyenteng may Ebola virus.
Layunin umano ni health minister Kato Katsunobu na makakuha ng approval para sa remdesivir sa pamamagitan ng special procedures.
Ayon naman sa health ministry officials na nakatakda silang maglatag ng proposal sa Cabinet ministers para amyendahan ang ordinansa ng gobyerno sa Japan na idagdag ang emdesivir sa healthcare system ng bansa.
Magpapatawag din ang ministry ng pagpupulong sa advisory panel para dinggin ang opinyon ng mga eksperto.
Nais ng mga opisyal na maaprubahan na ang remdesivir sa loob lamang ng isang linggo. Sa oras na tanggapin ito ay sisimulan na ang paggamit ng naturang gamot para tulungan ang mga COVID-19 patients.










