-- Advertisements --
Velasco meeting 1013 1
IMAGE | Marinduque Rep. Lord Allan Velasco meets his allies in Celebrity Sports Plaza, Quezon City, hours before the opening of the special session, October 13/Rep. Alfredo Garbin

Tiniyak ni House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na maipapasa ng Kamara sa Biyernes ang panukalang 2021 national budget magkaroon man ng gulo sa gitna ng special session na magsisimula ngayong araw.

Maagang dumating si Yap sa Celebrity Sports Plaza nitong umaga para makipagpulong kay presumptive speaker Lord Allan Velasco at mga kaalyado nito para sa budget briefing.

Nilinaw ng ACT-CIS Party-list congressman na wala namang kaso kung ipaliwanag niya ang budget sa sino mang kongresista na magnanais intindihin at alamin ang itinatakbo ng budget.

Para sa chairman ng komite, hindi dapat maapektuhan ng hidwaan sa pagitan nina Velasco at House Speaker Alan Peter Cayetano ang deliberasyon ng panukalang pambansang pondo.

Umiwas naman si Yap nang tanungin kung nakaninong panig ang kanyang posisyon dahil siya raw ay neutral at walang gustong panigan sa dalawang kongresista.