-- Advertisements --

Binatikos ni House appropriations committee chairman at Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co si Albay Congressman Edcel Lagman dahil sa maling paratang na ang karagdagang P12-bilyong budget ng Commission on Elections (Comelec) ‘para sa pagsasagawa at pangangasiwa ng halalan’ ay gagamitin para tustusan ang isinusulong na charter change.

Sa isang pahayag, sinabi ni Co na ang P12 bilyon na idinagdag sa P2-bilyong budget ng Comelec ay ginawa batay sa kahilingan ng poll body na ang panukalang P19.4-bilyon na badyet sa 2024 National Expenditure Program (NEP) ay binawasan ng P17.4-bilyon ay binawasan ng Department of Budget and Management (DBM) bago pa ito isumite sa Kongreso.

Sinabi ni Co na mismong si Comelec Chairman George Garcia ang personal na umapela nuong kasagsagan ng budget hearing na ibalik ang kanilang budget.

Diin ni Co,makakapagpatunay dito si Congressman Joseph Steven Caraps Paduano, na siyang nag preside sa nasabing meeting na ang nasabing hiling ay inaprubahan.

Kaya tanong ni Co kung natutulog ang beteranong mambabatas sa kaniyang trabaho.

Nilinaw naman ni Co na P14 billion lamang ang nadagdagan at hindi ang buong P19.4 billion na orihinal na hiling ng Comelec ang inaprubahan.

Ang balanse na nasa P5.4 billion ay inilaga sa ilalim ng unprogrammed funds.

Binigyang-diin ni Co na laking pasasalamat ni Comelec Chairman George Garcia sa Bicam team na pinagbigyan ang kaniyang request.

Sinabi ni Co na malisyoso ang naging pahayag ni Lagman na kaya dinagdagan ang pondo ng Comelec ay dahil pondohan ang Charter Change.

Hamon ni Co kay Lagman na maglabas ng pruweba na ang P14 billion na pondo na dinagdag sa Comelec ay gagamitin para isulong ang pag amyenda sa 1987 Constitution.