-- Advertisements --
Balik normal na ang operasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa financial assistance matapos isuspinde nitong nakaraang linggo.
Ito ang kinumpirma ngayong araw ni Pagcor Vice Pres. Jimmy Bondoc nang humarap sa meeting na ipinatawag ng House Committee on Games and Amusement.
Kung maaalala, pansamantalang inhinto ng ahensya ang pagtanggap sa naturang aplikasyon matapos matukoy ang tangkang panghu-huthot ng mag-asawang naaresto sa Maynila.
Sa ngayon, balik na raw sa dating sistema ang Pagcor kung saan kailangan muna ng verification mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga dokumento ng isang aplikante bago ito kilalalnin ng Pagcor.