Good news sa ating mga kababayan!
Apat na mga halamang-gamot kasi ang nakapasa na sa masusing clinical trials na isinagawa ng Institute of Herbal Medicine – National Institute of Health ng University of the Philippines Manila.
Ito ay ang Ulasimang Bato o pansit-pansitan na nakatutulong para pababain ang Uric Acid.
May analgesic properties naman ang Yerba Buena na pwedeng gawing pain reliever.
Napatunayan din na epektibo ang ampalaya sa pagpapababa ng sugar level.
At ang Tsaang Gubat naman ay makatutulong sa diarrhea at sa may mga bato sa apdo.
Tumagal ng hindi bababa sa pitong taon ang ginawang tests at clinical trials sa naturang herbal medicine.
Aprubado na ng Food and Drug Administration ang Tsaang Gubat habang hinihintay naman na aprubahan ang pansit-pansitan, yerba buena, at ampalaya.
Kung pag-uusapan naman ang side effects, lumabas umano sa clinical trials na walang nakitang adverse effects sa paggamit ng mga ito.
Ayon kay UP Institute of Herbal Medicine Dr. Cecilia Lazarte, malaking tulong ang tagumpay ng apat na halamang gamot na ito sa clinical trials dahil mababawasan aniya ang pagiging dependent ng Pilipinas sa mga imported na gamot at mapapadali ang accessibility ng gamot sa mga residenteng naninirahan sa isolated areas.