-- Advertisements --
image 29

Mananagot sa ilalim ng batas laban sa child abuse ang isang guro sa Antipolo City ngunit masyado pang maaga para ihayag kung kakasuhan ito ng homicide matapos ma-comatose ang bata at mamatay ilang araw pagkatapos ng insidente.

Sinabi ni Police Lt. Col. Ryan Manongdo, officer-in-charge ng Antipolo police, na maaaring magsampa ng reklamo sa paglabag sa Republic Act No. 7610 laban sa guro mula sa Peñafrancia Elementary School.

Aniya, inamin ito ng guro at maraming saksi sa naganap na insidente.

Tumanggi si Manongdo na sabihin kung sinampal o sinuntok ng guro ang Grade 5 student ngunit sinabi niyang pinagbuhatan niya ng kamay ang bata.

Dagdag ng opisyal na depende sa relative understanding ng mga witnesses dahil magkaiba ang sinampal o sinuntok.

Sinabi ni Manongdo na ang mga forensic expert ay kailangang matukoy ang sanhi ng kamatayan bago ang pulisya ay sumulong sa isang potensyal na reklamo sa homicide.

Sa ngayon, ang guro ay ay pinag-leave na at ayon sa Department of Education, maaari siyang ma-dismiss dahil sa pang-aabuso sa bata o malubhang maling pag-uugali bilang guro.