-- Advertisements --

Inanunsiyo ni New York Mayor Bill de Blasio ang kanilang mga paghahanda upang aksyunan ang sunod-sunod na mass stabbing sa siyudad.

Ayon kay de Blasio, magdadagdag sila ng mga security personnel sa mga Jewish areas at paaralan.

“The spirit we bring today is one of resolve and relentlessness. We will keep adding as many measures as it takes to end this crisis,” wika ni de Blasio.

Ilan sa mga kapulisan ay ipapakalat sa distrito ng Williamsburg, Crown Heights at Borough Park.

Ito’y matapos ang naganap na pananaksak sa limang katao sa labas ng bahay ng isang rabbi sa New York.

Una nang nanawagan si President Donald Trump nang pagkakaisa upang labanan ang karahasan na dulot ng mga anti-Semitic.

Batay sa pahayag ng mga saksi, bigla na lamang umano pumasok ng naturang bahay ang suspek kung saan nagdiriwang ang mga ito ng Hannukah. Bigla na lamang daw inilabas ng suspek ang dala nitong kutsilyo saka sinimulan ang pananaksak.

Kinilala ang suspek na si Grafton Thomas, 37, mula Greenwood Lake, New York. Kinasuhan na ito ng attempted murder kung saan naghain naman ito ng ‘not guilty’ plea.