-- Advertisements --

Pro4a3

Mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng Batangas-Philippine National Police ang mga barangay na iniwan ng mga residente dahil sa pagputok ng Bulkang Taal nitong Sabado.

Ayon kay Batangas Police Provincial Director P/Col. Glicerio Cansilao, nagsasagawa sila ng regular patrol sa walong barangay na nagkaroon ng evacuation.

Layunin nitong matiyak na hindi magkakaroon ng nakawan sa mga naiwang bahay.

Ito ay maliban pa sa seguridad na ipinatutupad sa mga evacuation centers.

Sa record ng Batangas Police Provincial Office, nasa 1,228 pamilya na katumbas ng 4,143 na katao ang inilikas.

Ito ay ang mga barangay sa:
a. Agoncillo: (2) Brgys. Banyaga at Bilibinwang
b. Laurel: (3) Brgys. Buso Buso, Gulod at Bugaan East
c. Balete: (1) Brgy. Palsara Balete, Batangas
d. Talisay (1) Brgy. Quilling Talisay Batangas
e. Cuenca (1) Bgry. Don Juan Cuenca, Batangas

Ayon kay Cansilao, ang deployment ng kanilang “anti-looting team” na regular na magpapatrolya sa mga abandonadong bahay ng mga nagsilikas ay para matiyak na walang mga ari-arian na ninanakaw.

Katuwang ng mga pulis sa pagbabantay sa mga komunidad ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines.