Kasunod ng deklarasyon ng National Dengue Epidemic, ipinagutos ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lahat ng regional directors nito ang pagsasagawa ng mga inisyatibo kontra sa naturang sakit.
Inatasan ni BJMP chief jail director Allan Iral ang lahat ng jail facilities na makipag-ugnayan sa health units ng kanilang mga lugar para makatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa dengue.
Una ng naglabas ng advisory ang Directorate for Health Service ng BJMP para sundin ng bawat jail facility ang 4-S strategy ng Department of Health:
-Search and destroy breeding sites;
-Seek early consultation;
-Self-protection; and
-Say “Yes” to fogging only in hot spot areas where increase is registered for two consecutive weeks.
“Bukod sa paglilinis sa aming mga pasilidad na maaring pamugaran ng lamok, kasama na rin yung mga adjacent areas mula sa mga jail facilities namin,”
Nangako naman si Iral na ipapatupad din ang “Sabayang 4-0 o’clock Habit para Deng-Get Out” ng DOH para maiwasan ang pagdami ng lamok na may dalang sakit na dengue.