Nagsanib-pwersa na ang tatlong anti-corruption agencies ng pamahalaan para mapaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian at korupsyon.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica, na nagkasundo ang kanyang tanggapan kasama ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) at 8888 para buohin ang “Super Response Team.”
Maliban dito ay ikakasa rin umano ng grupo ang “Project Usig.”
Makatutuwang ng mga ehensya ang National Bureau of Investigation (NBI), Criminal Invedtigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police, Anti-Money Laundering Council (AMLC) at National Intelligence Coordinating Council (NICA).
Ang mga nasabing tanggapan umano ang magsagawa ng lifestyle checks at malalimang imbestigasyon sa mga reklamo ng katiwalian at korupsyon sa government officials.
Possible umanong abutin ng dalawa hanggang tatlong buwan ang imbestigasyon bago sila makapagpalabas ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa Office of the Ombudsman.