-- Advertisements --

JOHANNESBURG, South Africa —Pumanaw na ang non-apartheid icon ng South Africa na si Desmond Tutu sa edad na 90, ayon kay President Cyril Ramaphosa.

Sa isang statement, sinabi ni Ramaphosa na ang pagpanaw ni Archbishop Emeritus Tutu ay isang malungkot na kabanata sa kanilang mga taga-South Africa.

Isa aniya si Tutu sa mga maituturing na “outstanding” South Africans na malaki ang naging papel para sa liberation ng kanilang bansa.

“Desmond Tutu was a patriot without equal; a leader of principle and pragmatism who gave meaning to the biblical insight that faith without works is dead,” ani Ramaphosa.

“A man of extraordinary intellect, integrity and invincibility against the forces of apartheid, he was also tender and vulnerable in his compassion for those who had suffered oppression, injustice and violence under apartheid, and oppressed and downtrodden people around the world,” dagdag pa niya.

Si Tutu, na isang aktibista, ay nanalo ng Nobel Peace Price noong 1984 matapos siyang tuminding laban sa white minority rule sa kanyang bansa.

Nakilala si Tutu sa pinasikat niyang mga katagang “Rainbow Nation” na naghahaming sa South Africa nang manalo si Nelson Mandela bilang kauna-unahang black presidente ng bansa. (AFP)