-- Advertisements --

Nangako ang Senado ang pagpasa ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago ang 5 linggong break ng kapulungan simula sa Disyembre 16.

Matatandaan na insprubahan sa ikalawang pagbasa ang Senate Bill No. 2432 at inaasahang maipapasa sa huling pagbasa sa araw ng Lunes.

Ayon kay Senator Cynthia Villar, chair ngCommittee on Agriculture, Food and Agrarian Reform at isa sa co-authors ng panukala na nakiusap si Minority Leader Sen. Aquilino Pimentel III na ipagpaliban ito at isagawa ang ikalawang pagbasa sa araw ng Lunes.

Sa ilalim ng panukalang batas, nakasaad na dapat magkaroon ng mabigat na sanctions ang mga gawain ng smuggling, hoarding, profoteering at cartel ng mga agricultural at fishery products at manipulasyon ng economic saboteurs, para maprotektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Pinoprotektahan din ng naturang panukala ang estado mula sa tax evaders at hindi nagbabayad ng duties at tinitiyak ang kapakanan ng agricultural producers at ng mga konsyumer at ekonomiya ng ating bansa sa kabuuan.

Nakasaad din sa panukala na dapat patawan ang sinumang nasa likod ng economic sabotage ng parusang habambuhay na pagkakakulong at multang tatlong beses ng halaga ng mga agricultural at fishery products na subject ng naturang krimen.

Maituturing na economic sabotage ang agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at cartel kapag ang halaga ng bawat agricultural at fishery product na subject ng krimen ay pumapalo sa P1 million.