-- Advertisements --

Tinanggap na ni Britains boxer Anthony Joshua ang termino sa hamon na laban sa kaniya ni Tyson Fury.

Ayon sa 258 Management and promoter ni Joshua na Matchroom Boxing na ang WBC world heavyweight champion match nila Disyembre 3 ay kanila ng naaayos.

Sumagot naman ang promoter ni Fury na si Frank Warren at sinabing hintayin na lamang ang pagpirma nila ng kontrata.

Ang 32-anyos kasi na si Joshua ay nagtamo ng ikalawang sunod na pagkatalo kay WBA, WBO, IBF at IBO champion Oleksandr Usyk ng Ukraine sa kanilang rematch noong nakaraang buwan na ginanap sa Saudi Arabia.

Magugunitang nong Abril ay inanunsiyo ng 34-anyos na si Fury na ito ay magreretiro na subalit hinamon siya ni Joshua na maglaban sila tatawagin ang laban bilang “Battle of Britain”.