-- Advertisements --
image 15

Malapit na sa kritikal na lebel ang antas ng tubig sa Angat dam base sa latest monitoring ng state weather bureau.

Kung saan bumaba pa ito sa 182.24 meters o 0.21 meters mualsa 182.45 meters.

Sa datos nitong nakalipas na araw, nasa 0.46 meters na lamang na mas mataas ang antas ng tubig sa Angat dam mula sa rule curve elevation nito o minimum level ng dam para epektibong makapagsuplay ng tubig.

Inaasahan naman na maaabot ang critical level nito sa halos dalawang linggo.

Una ng sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr. na hindi umabot ang mga pag-ulan sa Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa sa nakalipas na mga araw sa watersheds sa mga kabundukan.

Kayat napakahalaga ang mga susunod na araw at buwan para ma-improve pa ang antas ng tubig ng mga dam sa bansa.