-- Advertisements --
image 81

Bumaba ang antas ng tubig sa Angat dam sa below 200 meters sa gitna ng dry season ayon sa state weather bureau.

Sa datos nitong nakalipas na araw, ang antas ng tubig sa angat dam ay nasa 199.76 meters mula sa 200.01 meters noong nagdaang mga araw o mas mababa sa 0.25 meters.

Sa kabila ng pagbaba ang water elevation ay nasa 10.56 meters mas mataas sa rule curve elevation nito na 189.29 meters.

Ang rule curve elevation ay nagbibigay daan para magampanan ng dam ang gampanin nito na magsuplay ng tubig.

Ang minimum operating level naman ng Angat dam ay nasa 180 meters.

Sa kabila nito, tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System have sa publiko na ang kasalukuyang antas ng tubig sa Angat dam ay sapat para matustrusan ang pangangailangan sa tubig sa Metro Manil aat karatig na mga probinsiya hanggang sa Disyembre.