-- Advertisements --

echa

Inatasan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagpatay kay National Democratic Front of the Philippines (NDFP) consultant Randall Echanis sa Novaliches, Quezon City.


Sa mensahe na ipinadala ni Año, kaniyang paiimbestigahan sa PNP ang insidente.

Sa report ng QCPD, pinatay ng limang armadong indibidwal si Echanis,72-anyos at isang kapitbahay nito sa loob ng nirerentahang bahay.

Sa isang press conference nilinaw ni QCPD Director BGen. Ronnie Montejo na hindi si Echanis ang kabilang sa napatay sa nangyaring stabbing incident.

Kinilala ni Montejo ang dalawang biktima na sina Louie Tagapia, 48, at isang Manuel Santiago base sa nakuhang ID cards sa crime scene.

echa2

Una ng kinumpirma ng asawa ni Echanis na si Erlinda na asawa nito ang pinatay.

Kinondena din nito ang hakbang ng La Loma police na pwersahang kinuha ang bangkay ng kaniyang asawa sa isang funeral parlor.

Ayon naman kay QCPD spokesperson Police Lieutenant Johanna Sazon hindi niya alam kung bakit kinuha ng mga pulis ang cadaver ni Echanis.