-- Advertisements --

Nakalikom ng mahigit P2 milyon si Anne Curtis sa matagumpay na pagtakbo nila sa Tokyo Marathon noong nakaraang mga linggo.

Ang nasabing halaga ay ibibigay nito sa mga biktima ng pang-aabuso at karahasan sa bansa.

Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan ng actress ang mga nagbigay ng donasyon para sa nasabing charity drive niya.

Ang 2023 Tokyo Marathon ay siyang pangatlong sinalihan niya sa anim na World Marathon Majors kung saan natapos niya ang mga marathon sa New York noong 2016 at London noong 2018.