-- Advertisements --

NAGA CITY-Dead on arrival ang angkas ng isang motorsiklo habang sugatan naman ang drayber nito pagkatapos na makabangga sa isang AUV sa Maharlika Highway na parte pa ng Barangay Lungib, Calauag, Quezon.

Kinilala ang binawian ng biktima na si Juan Iglesia, habang ang sugatan naman ay si alyas Nilo, 31 anyos, parehong residente ng Calauag, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng AUV na minamaneho ni alyas Levy, residente ng 117 Francisco St., Lingunan, Valenzuela City ang kahabaan ng nabanggit na daan, nang mag-counter-flow ang motorsiklo na minamaneho ni Nilo galing sa kabilang direksyon na naging rason upang makabangga ito sa harap na parte ng AUV.

Dahil sa pangyayari sugatan sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa ospital para sa agarang lunas.

Sa kasamaang palad, dineklara lang na dead on arrival si Juan Iglesia.

Sa ngayon, paalala ng mga awtoridad na maging maingat upang maiwasan ang katulad na aksidente.