-- Advertisements --

Isinilang na ni Angelica Panganiban ang unang anak nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Sa kaniyang social media, ay ibinahagi ng actress ang larawan ng bagong silang na anak na pinangalanang si Amila Sabine.

Kuwento ng actress na isinilang ang anak nitong Setyembre 20.

Mahigit dalawang taon ng nagsasama ang dalawa at nitong Marso lamang ay ibinunyag ng actress ang kaniyang pagbubuntis.