-- Advertisements --
MWSS water

Inanunsiyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na isasara muna ang Angat Hydro-Electric Powerplant (AHEPP) para sa pagkumpuni at rehabilitasyon sa loob ng 2 buwan mula sa November 6, 2023 hanggang sa January 6, 2024.

Layunin nito ng ganap na pagsasara ng planta sa nasabing panahon para mapahaba pa ang lifespan ng powerplant at matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig para sa domestic at mga irigasyon.

Ang naturang planta ay mayroong kapasidad na 218 megawatts at binubuo ng apat na main units at 3 auxiliary units.

Samantala, pinawi naman ng MWSS ang pangamba ng mga sinusuplayang tubig ng naturang planta na gumawa na sila ng mga hakbang para matiyak ang tuluy-tuloy pa rin na suplay ng tubig para sa domestic at mga irigasyon sa sa kasagsagan ng pagsasara ng naturang planta.