-- Advertisements --

Siniguro ng National Irrigation Administration (NIA) na sapat ang tubig ng Angat Dam para suplayan ang mga bukirin sa kasagsagan ng dry cropping season.

Kung maalala, nagkaroon na ng pitong metrong pagbaba ng lebel ng tubig noong buwan ng Enero sa 195.85 meters.

Ang normal high level nito ay 212 meters habang ang critical level ay magsisimula naman sa 160 meters.

Sinabi ni C’zar Sulaik, Deputy Administrator for Engineering and Operations ng NIA na palapit na raw ang harvest period kaya hindi na rin masyadong kailangan ang tubig sa mga susunod na buwan.

Sa ngayon, nakatanggap na rin daw ng shallow tube well pumps ang mga magsasaka sa Bulacan at Pampanga para tulungan ang mga magsasaka na makakuha ng tubig sa papalapit nang dry season.

Ani Sulaik tuloy-tuloy daw ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa National Water Resources Board, Metropolitan Waterworks and Sewerage System at mga water concessionaires na Manila Water at Maynilad Water para sa iba pangmitigation solutions sa papalapit na summer season hanggang Hunyo para sa mga consumers ng tubig sa Metro Manila.

Ang Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan ay pangunahing pinagmumulan ng drinking water para sa Metro Manila households at nagsusuplay din ito sa kalapit na mga probinsiya.