Inanunsyo ng Maynilad Water Services na nakapagtala ang Angat Dam ng pagtaas sa antas ng tubig nito sa nakalipas na mga araw.
Sa isang pahayag, iniulat ng Maynilad na umabot sa 209.20 meters ang Angat Dam, na mas mataas ng 0.67 metro kumpara noong nakaraang linggo.
Kung ikukumpara, ang dam ay umabot na sa 208.53 metro sa nakaraan mga pagtatala at kasalukuyang nasa taas ng minimum operating level na 180 meters.
Ang kasalukuyang dami ng tubig sa Angat ay halos malapit sa target na elevation ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na inaasahang nasa 210 metro hanggang 212 metro sa pagtatapos ng taon.
Kapag naabot na ng dam ang target elevation nito, sinabi ng Maynilad na makakatulong ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan para sa tubig, lalo na sa panahon ng El Niño.