-- Advertisements --
patay

CAUAYAN CITY- Dead on arrival sa pagamutan ang lalaki matapos tagain ng kanyang ama sa Barangay Culalabo Norte, Burgos, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Richard Binalay, Deputy Chief Of Police ng Burgos Police Station agad nilang tinugunan ang nasabing krimen matapos itawag sa kanilang himpilan.

Ang suspek ay Romeo Balubar Sr, 75 anyos, may-asawa habang ang biktima ay si Romeo Balubar Jr. , 47 anyos, kapwa residente ng Culalabo Norte, Burgos, Isabela

Inamin ng pinaghihinalaan ang pagpatay sa kanyang anak matapos mapuno dahil sa palagiang paglalasing at ginagawang panggugulo at paghihingi ng pera ng anak kapag lasing.

Ang biktima ay nagtamo ng taga sa ulo at iba pang bahagi ng katawan na nagsanhi ng kanyang kamatayan.

Nakuha naman sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang itak na ginamit sa pananaga.

Magmula aniya ng hiniwalayan ng asawa ang biktima , dalawampong taon na ang nakakaraan ay sa kanyang ama na tumira.

Ang suspect ay nasa pangangalaga na ng Burgos Police Station at bagamat inihahanda na ang kasong parricide na isasampa laban sa kanya ay hinihintay pa ang magiging desisyon ng iba niyang anak.