Michelle Dee online vote

Ngayon pa lamang ay umaapela na ng suporta sa online votes ang pambato ng bansa sa Miss World ngayong taon na si Michelle Dee.

Ito’y bagama’t sa Disyembre pa gaganapin ang coronation sa London pero hinikayat na nito ang mga kababayan na siya ay iboto, gayundin ang pag-share sa kanyang mga posts para makamit ang target na “maximum reach.”

Tatangkain ng 23-year-old model turned beauty queen na maibigay sa Pilipinas ang pangalawang Miss World crown na unang nasungkit ni Megan Young noong 2013.

Una nang ikinatuwa ng kanyang inang si 1979 Miss International Melanie Marquez na nagbunga ang pagsisikap ng anak nito sa larangan ng beauty pageant.