Labis na ikinalungkot ng American singer na si Chris Daughtry ang pagpanaw ng kanyang stepdaughter na si Hannah sa edad lamang na 25-anyos.
Una rito, nagbahagi ng tribute ang singer kasama ang asawang si Deanna sa pagpanaw ng kanilang anak na natagpuang wala nang malay sa kanyang bahay sa Nashville.
Sinabi ng 41-anyos na singer na masakit sa kanya ang agarang pagpamatay ng kanyang anak dahil kamamatay din lang ng kanyang ina dahil sa cancer.
“I am still processing the last 24 hours. I am absolutely devastated and heartbroken. I just recently lost my mother to cancer but I was blessed with the chance to say goodbye and I was processing it privately. We never got to say goodbye to our precious Hannah and it’s another huge hit to our family,” anang singer.
Samantala, sa ngayon ay hinihintay na raw ng pamilya ang autopsy results para malaman ang dahilan ng pagkamatay ni Hannah.
Una rito, nakatakda sanang mag-perform si Daughtry sa New Jersey ngayong araw pero dahil sa nangyari ay ipinagpaliban na ang concert.