CAGAYAN DE ORO CITY-Kinasuhan na ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ng Republic Act 9165 ang anak ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na si Sean kasama ang pitong iba pa sa piskalya sa Angeles City, Pampanga.
Ito ay matapos na nahuli maaresto ang mga ito sa drug buy bust operation sa loob ng hotel kung saan narekober ang daan-daang tableta ng party drugs na ecstasy, cocain at iba pang uri ng droga.
Sinabi sa Bombo Radyo ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na target ng operation ang nobya ni Sean na si Bernice Fabiosa.
Naaresto rin ng PDEA opeatives ang pinagkunan ni Fabiosa ng ilegal na droga na si Gregorio Imperial na napabilang sa grupo na nakipag-transaction.
Kabilang rin sa mga sinampahan ng katulad na kaso ang mga kasama nina Moreno at Fabiosa na sina Maria Isabel Lawas, Aileen Baldon, Jamie Mendoza, Jessa Scott at Bernadeth Saavedra na halos lahat nakatira sa Las Pinas City.
Emosyonal ang pamilyang Moreno nang makompirma na kabilang na naaresto ang 43-anyos na si Sean.
Binanggit ng alkalde ng lungsod ng Cagayan de Oro sa kanyang inilabas na pahayag sa local media na hindi nito tatalikuran ang kinaharap na problema ng anak kahit nagdulot pa ito nang pagkasira ng reputasyon ng kanilang pamilya.
”I have recently been informed that my eldest son, Sean (43 yrs old), has been arrested in Angeles City, allegedly in connection with possession and/or selling of ecstacy. Reportedly, Sean was arrested together with 7 other individuals.
As a father, my first reaction was to ensure his safety while in detention, and to provide legal support. Even if he has gone astray, Sean is still my son, whom I took very special care since his birth. I deeply regret the situation that Sean is in now. I will endlessly continue to struggle thinking about what led him to this. This is a very difficult time that Sean and the family are going through. But we have deal with this, and we pray that Sean will still have a bright tomorrow. Thus, in spite of the pains and hurts, I remain undettered in believing that God will show Sean the way. And we will unqualifiedly support him,” bahagi ng pahayag ni Moreno.