-- Advertisements --
ROXAS CITY – Ginawang sex slave ang 17-anyos na dalagita ng kanyang sariling ama sa isang bayan sa lalawigan ng Capiz.
Napag-alaman na ilang beses nang ginahasa ang biktima na si alyas Inday sa kanilang bahay ng kanyang ama na si Alyas Oding, 40-anyos at isang drug surrenderer.
Dahil nagtatrabaho sa ibang bansa ang ina ng biktima ay naiwan ito sa kanyang ama kasama ang dalawang kapatid na lalaki.
Ayon sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) section nasa elementarya pa lamang ang biktima nang sinimulan gahasain ng suspek.
Samantala, nakatakas ang suspek matapos natunogan na nagsumbong ang anak nito sa mga barangay officials.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng tiyahin nito ang biktima at dalawang kapatid.