-- Advertisements --

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang magpapalawig sa estate tax amnesty.

Inaprubahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang House Bill House Bill 7068 sa botong 209 na Yes at walang pagtutol.

Layon ng panukalang ito na amiyendahan ang Tax Amnesty Act kung saan palalawigin ng hanggang apat na taon mula sa kasalukuyang dalawang taon ang paghahain ng estate tax.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na maituturing bilang stimulus bill ang estate tax amnesty extension dahil makapagbibigay ito ng dagdag na revenue o kita sa pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Elenita Quimosing na ang total collection mula 2019 hanggang June 2020 para sa tax amnesties ay umabot ng hanggang P4.75 billion mula sa 23,911 tax amnesty availers.

Kapag maging ganap na batas, ang mga taxpayers na mag-a-avail ng estate tax amnesty ay magkakaroon ng immunity o proteksyon sa civil, criminal, at administrative cases gayundin sa pagbabayad ng penalty.