-- Advertisements --

Naging emosyonal si American tennis player Frances Tiafoe matapos talunin si Rafael Nadal para makapasok sa quarterfinals ng US Open.

Nakuha ng World Number 26 ang score na 6-4, 4-6,6-3, 6-3 para tuluyang talunin ang Spanish tennis star.

Matapos ang laro ay napaupo ito at napaiyak ang 24-anyos na si Tiafoe.
Ito ang kasi ang unang pagkakataon na tinalo niya si Nadal matapos ang dalawang paghaharap nila noong 2019.

Ang panalo nito ay siyang pinakamalaking panalo ng American tennis player laban kay Nadal mula ng talunin siya ni James Blake noong 2005.