-- Advertisements --
Pumanaw na ang American singer/songwriter na si Bobby Caldwell sa edad 71.
Ayon sa kampo nito na nalagutan na ito ng hininga sa kaniyang bahay sa New Jersey.
Mahigit limang taon na itong halos hindi makalakad dahi sa pananakit ng kaniyang neuropathy at torn tendon sa kaniyang ankle.
Nakilala ang singer sa sikat nitong kantang “What You Won’t Do For Love” noong 1978.
Ang nasabing kanta ay umabot sa Top 19 sa Billboard at naging double platinum ang kaniyang album.
Sumulat din ito sa ilang sikat na singers gaya nina Neil Diamond, Al Jarreau, Roberta Flack at maraming iba pa.
Siya rin ang nasa likod at lumikha ng kantang “The Next Time I Fall” na kanta nina Amy Grant at Peter Cetera.