-- Advertisements --

Ibinenta ni Bruce Springsteen ang kaniyang master recordings at publishing rights sa mga gawa nito sa kumpanyang Sony.

Nagkakahalaga umano ito ng $500 milyon.

Sa nasabing kasunduan ay nagbibigay sa Sony ng pag-aari sa 20 studio albums, kabilang ang classics gaya ng “Born to Run”, “The River” at “Born In The USA” na na mga kanta.

Si Springsteen ay 20-time Grammy Winner kung saan ang kaniyang kanta ay kumita ng $15 milyon noong nakaraang taon.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay ibinenta rin ng mga singer na sina Bob Dylan, Blondie at Davide Bowie ang kanilang music catalog.