-- Advertisements --
image 55

Nakatakdang makatanggap ng award sa music world ang American singer at rapper na si Dolly Parton at Eminem sa pinakabago at nangungunang mga artist sa Rock and Roll hall of fame.

Ang Hall of Fame na nakabase sa Cleveland na nag-survey sa mahigit 1,000 na musikero sa industriya para piliin ang mga kalahok ay magbibigay award sa sa isang gala sa Microsoft Theater ng Los Angeles.

Makikita rin ang ibang mga music legend sa concert at ang kani-kanilang mga hit na kanta, kabilang na sina Olivia Rodrigo at Alanis Morissette habang sina Bruce Springsteen at Sheryl Crow na makakatanggap din ng award.

Sa paglipas ng mga taon, maraming rappers, pop, R&B at country star ang dinala na sa hall ng fold.

Sinabi ni Sykes na gumagawa na ngayon si Parton ng isang rock and roll album at magde-debut ng isa sa mga kanta nito sa isang performance ngayong darating na linggo.

Ayon naman sa manager ni Eminem na si Paul Rosenberg sa Billboard na ang pagsasama ng mga rapper sa hall ay sumasalamin din sa patuloy na ebolusyon ng musika.